IBABALIK AGAD | Pitong oras na brownout, mararanasan sa ilang bahagi ng Hermosa, Bataan

Bataan – Pitong oras na brownout ang mararanasan ng mga residente sa ilang panig ng bayan ng Hermosa sa Bataan ngayong Miyerkules January 31.

Sa advisory ng Peninsula Electric Cooperative o PENELCO mula alas-nueve ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Hermosa kagaya ng Brgy. Saba, Balsik, ilang bahagi ng Brgy. Palihan at Bapa Riverside.

Ayon sa PENELCO ito ay bunsod ng pagpapalit nila ng mga rotten poles o mga nabulok nang mga poste ng kuryente.


Tiniyak naman ng PENELCO na kaagad nilang ibabalik ang suplay ng kuryente sa sandaling matapos na ang kanilang maintenance works.

Facebook Comments