Manila, Philippines – Umaasa si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa na muling mababalik ang sigla ng PNP Air Group matapos na hindi na mapakinabangan pa ang assets ng PNP Air Group simula noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo dahil sa maanomalyang pagbili ng mga secondhand helicopters.
Ayon kay Dela Rosa Rosa ito ang number one sa kanilang wish list.
Sa ngayon aniya mayroon na silang 3 helicopters na nabili nitong nakalipas na taon at for delivery na ngayong taon.
Habang ngayong taon ay bibili pa sila ng 2 pang helicopters
Ito aniya ay bahagi ng kanilang pangarap na maibalik ang Air-Capability ng PNP sa lalong madaling panahon.
Kanina pinangunahan ni PNP Chief Dela Rosa ang presentasyon at blessing ng mga bagong sasakyan at gamit ng PNP sa National Capital Region Police Office (NCRPO) grandstand sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ang mga bagong kagamitan ay na-acquire sa ilalim ng Capability Enhancement Program ng PNP na pinondohan ng 6.4 na bilyong piso.
Kabilang sa mga gamit na iprinisinta kay Dela Rosa ay ang mga bagong sasakyan, sub machine guns, communications equipment, night vision Goggles, Global Positioning System (GPS), body armor, at bomb-sniffing dogs.
Sinabi ni Dela Rosa na magtutuloy tuloy ang pagbili ng PNP ng mga bagong gamit sa taong ito dahil sa kagustuhan ng Pangulo na ibigay sa mga pulis ang lahat ng kanilang kailangan para magawa ang kanilang trabaho.