Manila, Philippines – Nagpalabas na ng kautusan ang Bureau of Customs o BOC para maibalik sa South Korea ang kanilang tone-toneladang basura na naipasok sa Mindanao.
Ayon kay BOC spokesperson Erastus Austria, kailangan na lang umaksyon sa utos ang shipper at importer para tuluyan lang maibalik ang mga basura sa South Korea.
Gayunman, wala namang petsang binanggit ang BOC hinggil sa re-export ng masa 5,000 toneladang basura.
Matatandaang dumating sa Mindanao International Container Terminal noong Hulyo ang nasabing mga basura at idineklarang synthetic plates.
Facebook Comments