IBABALIK | Cebu Pacific at Philippine Airlines, handang ibalik ang mga nakolektang terminal fees sa mga hindi natuloy na flights

Manila, Philippines – Tiniyak ng Cebu Pacific at Philippine Airlines na handa nilang ibalik ang terminal fees na kinolekta sa mga pasahero na hindi natuloy sa kanilang flights.

Ayon kay Atty. Fred Mison, Senior Vice President ng PAL, agad nilang ibabalik ang terminal fee dahil ayaw nilang madadagadagan pa ang pananagutan nila habang tumatagal.

Ganito rin ang pahayag ni Cebgo President at CEO Alexander Lao na ibabalik nila ang terminal fees.


Gayunman, aminado si Lao na mahihirapan silang hanapin at i-contact ang bawat kliyente para ibalik ang refund.

Inamin naman ni Lao na aabot sa P250 million ang terminal fee na kanilang kinolekta sa tickets ng kanseladong flights.

Facebook Comments