IBABALIK! | DOE, tiniyak na maibabalik ang kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ompong

Manila, Philippines – Tiniyak ng Dept. of Energy (DOE) na maibabalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Ompong.

Ayon kay Energy Sec. Alfonfo Cusi – prayoridad na maibalik ang kuryente sa mga mahahalagang establisyimento tulad ng mga tanggapan ng gobyerno, ospital, law enforcement stations.

Sa huling monitoring ng DOE, hindi pa ring gumagana ang ilang planta na nagseserbisyo sa Sabtang (Batanes), Calayan, Minabel at Balatubat (Cagayan), Kabugao (Apayao), Palanan (Isabela), at Maconacon (Aurora).


Ang mga planta naman sa Basco at Itbayat, Batanes ay fully operational na.

Naibalik na rin ang operasyon ng planta sa Casiguran, Aurora.

Facebook Comments