Manila, Philippines – Ibabalik na ng Kamara sa dating obligation-based budget system ang panukalang pambansang pondo para sa 2019 mula sa cash-based budgeting system na inilatag ngayon ng Budget Department.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles, kumikilos na ang Kamara para ibalik sa dating obligation-based budgeting system ang P3.757 Trillion 2019 budget.
Nagpupulong ngayong hapon ang mga lider ng Kamara at ipinatawag ang DBM para pagusapan ang mga gagawing pagbabago sa budget.
Maghahain naman ng resolusyon tungkol dito sina Nograles, House Majority Leader Rolando Andaya Jr., at Appropriations Vice Chairman Joey Salceda.
Iwini-withdraw na rin ng Kamara ang inaprubahang panukala na budget reform bill na nasa kamay na ngayon ng Senado.
Ayon kay Nograles, sinusuportahan nila noon ang cash based budgeting system dahil sa napaka-ideal nito at maganda ang konsepto.
Pero, inaalis na nila ang suporta dito dahil sa malaking naibawas na pondo sa maraming ahensya at sa negatibong epekto nito sa mga proyekto.