IBABALIK NA | Balangiga Bells, maibabalik sa bansa bago matapos ang taon -DFA

Manila, Philippines – Matapos ang 117 years, maibabalik na sa Pilipinas ang Balangiga bells na tinangay ng mga Amerikanong Sundalo mula sa simbahan ng Eastern Samar nuong world war 2

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Elmer Cato, pormal nang inanunsyo ng Amerika sa pamamagitan ni US Secretary of Defense James Mattis ang pag turn over sa Pilipinas ng Balangiga bell kasabay nang ginanap na Veterans Remembrance Ceremony sa Warren Airforce base sa Wyoming USA ngayong araw.

Mismong si US Ambassador Jose Manuel Romualdez ang dumalo sa naturang turn over ceremony.


Nagpasalamat naman si Ambassador Romualdez sa pamahalaang Amerika dahil sa pagsisikap nitong maibalik sa Pilipinas ang Balangiga bells na isa sa pinakamahalaga sa kasaysayan ng bansa.

Sinabi pa ni Romualdez na bago matapos ang taong kasalukuyan ay maibabalik na ito sa Pilipinas pero bago ito maiuwi ay dadalhin muna sa isang pasilidad sa Philadelphia para sa safekeeping at isasakay ng barko patungong South Korea para kuhanin ang isa pang Balangiga bell na nasa base ng Amerika doon para sabay na maibalik ng Pilipinas.

Sa ngayon wala pang eksaktong petsa kung kailan maiuuwi ang nasabing mga kampana.

Facebook Comments