IBABALIK | Pagbabago tungkol sa destinasyon ng pasahero na hindi ipaaalam sa mga Grab driver, ipatutupad na ngayong araw

Manila, Philippines – Ipatutupad ng Grab Philippines ngayon araw ang pagbabago sa pamamagitan ng Grab Holdings Incorporated ang isang pahina ng playbook ng Uber sa pamamagitan ng pagtago sa destinasyon ng kanilang mga pasahero bago mag booking.

Ayon kay Grab Philippines Country Head Brian Cu ngayon araw ay inisyal na isasagawa ang 25 porsyento ng mga Grab driver na batay sa kanilang record sa sistema ng riding hailing service ay mayroong “historical low acceptance rate.”

Paliwanag ni Cu ang bagong pamamalakad niya ay bilang pagtugon sa dumaraming mga reklamo ng kanilang mga driver o kustumer na kanilang natatanggap at alin man sa nakakansela ng mga booking o natatanggihan ang pasahero.


Dagdag pa ni Cu na bilang precautionary measure naman, malalaman lamang ng sinumang Grab driver ang destinasyon ng kanilang pasahero sa sandaling nakapag-book na sa kinagabihan o kinaumagahan.

Ikinatuwa naman ng LTFRB ang naging pagbabago ng Grab Philippines na hindi ipapaalam sa mga Grab driver ang destinasyon ng mga pasahero upang hindi sila makapagpamili ng pasahero.

Facebook Comments