IBABALIK | Tone-toneladang basura galing SoKor na ibinagsak sa Pilipinas, irerekomenda na ibalik

Manila, Philippines – Irerekomenda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagbabalik ng kargamento na puno ng tone-toneladang basura galing ng South Korea.

Matatandaang nadiskubre ang shipment sa Mindanao Container Terminal sa Misamis Oriental.

Ayon kay DENR Undersecretary For Solid Waste and Local Government Concerns Benny Antiporda – ayaw nang palakihin ng ahensya ang isyu at tiniyak na mabilis nilang aaksyunan ito.


Aniya, nais ni Secretary Roy Cimatu na maresolba ito sa lalong madaling panahon.

Sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB), ang DENR ay nagsasagawa na ng waste analysis at characterization study sa shipment.

Ang magiging hakbang ng DENR ay ibabase sa magiging resulta ng mga pagsusuri.

Sakaling makitaang hazardous ang laman ng shipment ay tiyak na ibabalik agad ito sa bansang pinagmulan nito at kakasuhan ng administratibo at kriminal ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments