Manila, Philippines – Ipatutupad muli ngayong araw ng Transport Network Company (TNC) na Grab ang kanilang two-times surge cap sa kanilang mga biyahe.
Ito ay matapos muling payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng pag-accredit sa mga bagong kakompitensya ng Grab, tulad ng Go Lag, Hirna at Hype.
Ang nasabing surge cap ay ang pagpapataw ng dalawang piso kada minuto ng bawat biyahe.
Aminado si Grab Philippine Country Head Bryan Cu, na naramdaman ng mga pasahero ang surge cap lalo na sa pag-alis ng Uber sa bansa.
Pero handa pa rin ang Grab na sumunod sa LTFRB sakaling suspendihin muli ang nasabing singil.
Iginiit ni Cu, legal ang 2 pesos per minute charge at makatutulong ito sa mga partner drivers.
Dagdag pa ni Cu, tumaas ng 70% ang kanilang bookings pero ang supply ng kanilang Tranport Network Vehicle Service (TNVS) partners ay tumaas lamang ng 40% at hindi ito sapat.