IBALIK | Pangulong Duterte, pabor sa refund sa pagbili ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Department of Health na ipasauli ang perang ibinayad ng Pilipinas sa Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang kagustuhan ng pangulo dahil sa hindi agad nailabas ang katotohaan noong una pa lang.

Matatandaang binili ang vaccine sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III na nakatanggap na rin ng imbitasyon mula sa senate blue ribbon committee.


Ayon kay Aquino, gusto niyang makilahok sa pag-alam ng katotoohanan at sa pagsunod na rin sa batas, alituntunin at tradisyon pero hindi nito tinukoy kung dadalo nga ba siya sa nasabing pagdinig.

Bukod kay Aquino nakatanggap din ng imbitasyon sina dating executive secretary Paquito Ochoa Jr. at si dating Budget Secretary Florencio Abad.

Samantala, bukas nakatakdang ituloy ang pagdinig ng senate blue ribbon committee kaugnay sa P3.5-billion pesos na halaga ng nasabing dengue vaccine.

Facebook Comments