Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na kontrolin ang pagbebenta ng mga high powered guns ng mga gun store sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, kahit sa mga Mayors at sa mga Governors ay bawal ibenta ang mga ito at tanging mga miyembro ng militar at ng pulis ang maaaring makabili at gumamit ng mga ito.
Kaya naman inatasan din ni PAngulong Duterte ang PNP na kunin ang mga high-power firearms sa mga gun stores at ibalik ang mga ito sa Camp Crame.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, ito ay para maiwasan na mapunta sa mga kalaban ng estado ang mga malalakas na baril.
Binalaan naman ng Pangulo ang mga sundalo at mga pulis na magbebenta ng baril at bala sa mga kalaban ng estado tulad ng NPA ay pananagutin ang mga ito hanggang makulong.
IBALIK SA CRAME | Mga high-powered firearms sa mga gun store, pinababawi ni Pangulong Duterte sa PNP
Facebook Comments