Ibang barko, ide-deploy ng PCG sa Escoda Shoal

Inihayag ni Task Force on West Philippine Sea (WPS) Spokesman Commodore Jay Tarriela na ibang barko na ang magbabantay sa Escoda Shoal.

Sinabi ni Tarriela na kailangan pa kasing isailalim sa pagkukumpuni ang BRP Teresa Magbanua.

Aniya, wala pang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang pagsasaayos sa nasabing barko na limang buwan rin nananatili sa Escoda Shoal para mapigilan ang reclamation ng China.


Hindi naman binanggit ni Tarriela kung may barko na o may patungong ng barko sa Escoda Shoal.

Dagdag pa ng opisyal, posibleng i-deploy sa ibang lugar ang BRP Teresa Magbanua sakaling matapos na itong kumpunihin at nakarekober na ang mga crew nito.

Sa kasalukuyan, nasa maayos naman ng kalagayan ang tatlo sa kanilang crew na nagkasakit dahil sa kakulangan ng suplay sa nasabing barko.

Facebook Comments