Manila, Philippines – Itinanggi ngayon ni Mayor Herbert Bautista na ikinahihiya niya si Kris Aquino.
Matatandaang sa nakaraang presscon ng pelikulang “I Love You, Hater” noong June 16, inamin ni Kris na naramdaman niyang idine-deny at hindi proud sa kanya si Bistek.
Pero sabi ni Bistek – baka interpretation lang daw ‘yun ng Queen of Social Media dahil katunayan, sobrang proud siya rito.
Inilarawan naman niya ang relasyon nila ni Kris bilang “mataas na uri ng pagkakaibigan” na mayroong mas pinalalim na mutual respect sa isa’t isa.
Kasabay nito, itinanggi ni actor-turned politician ang paratang ng iba na nanggagamitan lang sila ni Kris.
Tumanggi na rin siyang makomento sa lahat ng mga ini-reveal ni Kris tungkol sa naging relasyon nila mula sa marriage proposal hanggang sa pagbawi umano rito ni Bistek.