
Umapela si Senator Alan Peter Cayetano na huwag sanang mapabayaan ang iba pang mahahalagang isyu ng bansa sa kabila ng magiging abala ang Senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Giit ni Cayetano, maraming problema ang bansa na kailangan ding bigyang pansin kasabay ng impeachment process.
May mga isyu aniya tungkol sa bumagsak na tulay, mga ghost students at usapin sa pambansang pondo na nasa Korte Suprema bukod pa nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Dapat aniyang isaalang-alang ang timing upang hindi mapabayaan ang iba pang mga dapat gawin ng Mataas na Kapulungan.
Tiwala rin si Cayetano na kahit batid na isang political process ang impeachment trial ay mananatiling patas ang Senado sa paglilitis dahil susumpaan nila ito bilang senator-judge at ang oath dito ay sumunod sa Konstitusyon at sa batas.