Manila, Philippines – Nais ng Department of Health na itigil na ng ilang katoliko ang pagpepenetensya sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus.
Ayon kay Duque, may ibang paraan naman para magsakripisyo ngayong Holy Week.
Pero kung hindi naman aniya ito maiwasan, dapat ay magpaturong muna ng anti-tetanus.
Nilinaw naman ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Director Fr. Francis Lucas, matagal ng hindi kinokonsinte ng simbahang katolika ang ganitong pagpepenetensya.
Sa kabila nito, sinabi ni Lucas na mahirap ng pigilan ang debosyon ng mga Pinoy.
Facebook Comments