Ibang paraan pa ng pagboto bukod sa paggamit ng balota, sinisilip na ng Comelec

Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng ibang paraan para makaboto maliban sa paggamit ng balota.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas – bukas sila sa mga inahaing paraan para baguhin ang nakagawiang paraan ng pagboto.

Ilan dito ay ang paggamit ng touchscreen machines, mobile app, isang hybrid na pinaghahalo ang manual at automated elections at balota na parang ticket ng lotto.


Gayunman, hindi pa rin sila magpapadalos-dalos sa desisyon kung dapat na bang palitan ang Smartmatic bilang technology provider sa darating na 2022 elections.

Sa kabila na rin ito ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura na ang Vote Counting Machines o VCM ng Smartmatic.

Dagdag pa ni Abas – ibabase naman nila ang desisyon sa publiko at gobyerno bago ito ipatupad.

Pero kung si DICT Undersecretary Eliseo Rio ang tatanungin, posibleng hindi na umubra ang Smartmatic.

Facebook Comments