Ibang transport group – hindi sasama sa strike ng grupong Piston at Stop & Go

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni LTOP National president Orlando Marquez na hindi lalahok sa gagawing welga ng bayan ang grupong LTOP, PCDO-ACTO, ALTODAP, PJODAP at Pasang Masda sa ikinakasang strike ngayon ng grupong Piston at Stop and Go.

Ayon kay Marquez, nagpahayag na ang mga iba’t ibang lider ng 5 transport group sa Makati, Cavite sa bahagi ng Southern Luzon at ilang bahagi ng Bulacan na hindi nila susuportahan ang 2 araw na tigil-pasada ng dalawang grupo ng transportasyon.

Paliwanag ni Marquez, maganda umano ang layunin ng pamahalaan na modernization program ng transportasyon kaya buong pwersa nilang susuportahan ang naturang programa.


Una nang nilinaw ng LTFRB at DOTr na ang tinatanggal lamang sa lansangan ay ang mga bulok na pampasaherong jeep na hindi na pakikinabangan at lubha ng nakakaapekto sa kalusugan ng publiko dahil sa maruming usok na ibinubuga ng mga lumang jeep.

Giit ni Marquez, ang plano ng pamahalaan ay tulungan ang mga tsuper at operators ng PUB kaya’t isinusulong ang modernization program ng transportasyon para na rin umano sa kanilang kapakinabangan.

Facebook Comments