Iba’t ibang agricultural products na walang permit, nakumpiska ng Bureau of Plant Industry sa NAIA

Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang samot saring agricultural products mula sa anim na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport NAIA terminal 1.

This slideshow requires JavaScript.

 

Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI) unang nakumpiska ang 0.2 kg na gojiberry, 2 kgs walnut, at 2 kgs na plums mula sa isang pasahero galing Xiamen.


Sunod naman ay ang 192kgs na atis at 27.7 kgs na lansones dala ng isang pasahero mula naman sa Hong Kong.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang 1.7 kgs na citrus leaves, 1.1 kgs pepper at 1.6 kgs na eggplants dala naman ng pasahero mula Thailand.

Mula naman sa pasahero galing Jinjang, nakuha rito ang 2kgs na petchay, 1.5kgs na radish, 4.5kgs na corn, at 0.5kg na kangkong.

Bitbit rin ng pasahero mula sa Xiamen 0.8kg na Ginger at 1kg na lutos root.

Samantala, ang mga naturang produkto ay naharang ng Bureau custom sa anim na magkahiwalay na flight sa NAIA terminal 1 kung saan wala silang maipakitang permit mula sa bansa na kanilang pinanggalingan dahilan para ito kumpiskahin ng BPI.

Facebook Comments