IBA’T IBANG AHENSYA, NAGSAGAWA NG MONITORING AT ASSESSMENT SA PINAKAMALAKING CORAL GARDEN NG HUNDRED ISLANDS NATIONAL PARK SA ALAMINOS CITY

Dahil sa layunin ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City at ng iba’t ibang ahensya na mapangalagaan ang isa sa pinakamalaking coral garden sa Pilipinas ay nagsagawa ng monitoring ang iba’t ibang ahensya kung kumusta na nga ba ang lagay nito.
Bumisita sa nasabing lugar ang Australian Centre for International Agricultural Research (ACIAR) at Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT) kasama ang UP Marine Science Institute – Bolinao Laboratory ng Coral Reef Restoration Project Sites Monitoring.
Matatagpuan ang nasabing coral garden sa Quezon at Macapagal Island sa Hundred Islands National Park.

Binisita ang lugar ng mga kawani ng nabanggit na mga ahensiya kung saan matagumpay itong naisakatuparan dahil sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Alaminos at ng Protected Area Management Board. |ifmnews
Facebook Comments