Iba’t ibang ahensya ng gobyerno, nagkaloob ng pinansyal na tulong sa mga magsasaka na naapektuhan na pandemya at bagyo sa Aklan

Nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya upang magkaloob ng tulong sa magsasaka at mga Agrarian Reform Beneficiaries Organization sa Aklan na nagsisikap na makabangon mula sa epekto ng pandemic at pagsalanta ng nagdaang bagyo.

Kinabibilangan ito ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Agriculture (DA), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Tig-₱1 milyong tseke mula sa DOLE Integrated Livelihood Program ang ipinamahagi nina DAR Secretary Bernie Cruz at Western Visayas Regional Director Sheila Enciso sa bawat isa sa limang ARBOs bilang grant.


Naniniwala ang mga nagkaisang ahensiya ng gobyerno na sa pamamagitan ng ipinagkaloob na tulong ay mapapanatili ng limang samahan ng mga ARBO ang kanilang kasalukuyang negosyong pang-ekonomiya sa kanayunan sa kani-kanilang komunidad para sa kapakinabangan ng kanilang mga miyembro.

Habang nasa 16 na ARBOs naman sa Ibajay, Tangalan, at Makato ang tumanggap ng tseke na nagkakahalaga ng ₱117,000.

Samantalang nasa kabuuang indemnity fund na nagkakahalaga ng ₱3,371,080.50 ang ipinagkaloob din sa 871 mangingisda at magsasaka.

Facebook Comments