Ibat Ibang Ahensya Ng Gobyerno Nakaalerto Na Sa Hagupit Ng Bagyong Lawin, Banta Ng Storm Surge Ibinabala

35

MANILA – Kasunod ng patuloy na paglakas ng bagyong lawi paulit-ulit na ngayon ang babala ng PAGASA at NDRRMC sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.Sa latest weather bulletin ng PAGASA, tinatayang aabot na sa apat na metro hanggang labing apat na metro ng daluyong o storm surge ang nagbabanta sa Cagayan, Isabela, Northern Aurora, Qurino at iba pang lugar na madadaanan ng bagyo.Bunsod nito, nagpatupad na ng force evacuation sa sampung bayan sa lalawigan ng Isabela, maging ang mga nasa mabababang lugar sa Cagayan at sa Batanes.Kanselado na din ang pasok sa lahat ng lugar na nasa ilalim ng storm signal habang apektado na ang ilang domestic flights papuntang Batanes at Tuguegarao, Isabela.

Facebook Comments