IBA’T-IBANG AHENSYA NG GOBYERNO, NAKAANTABAY SA SIMBANG GABI SA LINGAYEN

Nakastandby na ang Incident Command Post (ICP) ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office sa iba’t-ibang bahagi ng Lingayen bilang pagtugon sa mga kinakailangang responded ngayong holiday season.

Isa sa mga lugar kung saan inilatag ito ay sa Kapitolyo kung saan isinasagawa ang tradisyunal na Simbang Gabi Ed Kapitolyo.

Kabilang sa iba pang ahensya ng gobyerno na nakaantabay sa lugar ay ang Provincial Health Office (PHO), Bureau of Fire Protection (BFP) at hanay ng kapulisan.

Pagtitiyak ng mga nabanggit na tanggapan, nakaantabay ang mga kawani sa inaasahang pagdagsa ng mga Pangasinense sa siyam na araw na simbang gabi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments