MANILA – Inutusan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na tiyaking ligtas ang mga biyahero ngayong Semana Santa.Sinabi ni Communication Secretary Sonny Coloma, na ibinigay ang kautusan sa DOTC, DILG, PNP at MMDA.Nagsasagawa na rin ng inspeksyon sa mga paliparan, pantalan at bus terminal para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.Samantala… Tumaas pa ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pier ngayong Semana Santa.Ayon sa Philippine Coast Guard, umabot na sa 70,000 ang mga pasahero sa mga pantalan sa bansa.Tuloy-tuloy din ang buhos ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport kung saan inaasahang dadagda pa ang mga tao bukas, Miyekules santo.Dagsa rin sa mga bus terminal ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya.Sa Araneta Bus station, tinatayang 8,000 na ang dumagsang pasahero kahapon.
Ibat-Ibang Ahensya Ng Pamahalaan, Inutusan Ni Pangulong Aquino Na Tiyaking Ligtas Ang Mga Biyahero Ngayong Semana Santa
Facebook Comments