Magsasama-sama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para pag-usapan ang mga gagawing paghahanda sa Bagyong Marce.
Pangungunahan ang pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan dadaluhan ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na siya ring chairperson ng NDRRMC, Department of the Interiorand Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at iba pa.
Kasama sa tatalakayin sa pulong ang update sa bagyo, sitwasyon ng mga dam, mga inaasahang pagbaha at pagguho ng lupa, mga rehiyon na sasalantain ng bagyo at ang gagawing intervention ng pamahalaan.
Inaasahan na sa pamamagitan ng pulong ay makalilikha ang gobyerno ng mas akmang paaran ng pagresponde sa bagyo.
Facebook Comments