Iba’t ibang aktibidad, alok ng DOLE sa mga manggagawa sa Labor Day!

Sesentro sa proteksyon, pagpupugay at pagkilala sa mga mangaggawang Pinoy ang selebrasyon ng taunang Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Labor and Employment Undersecretary for Workers Welfare and Protection Chairman Atty. Benjo Santos Benavidez na magsasagawa sila ng nationwide job fair na idaraos sa 90 sites sa bansa na dadaluhan ng 2,400 employers.

Bubuksan din ang mga “Kadiwa ng Pangulo” at magsasagawa ng malawakang payout sa ilalim TUPAD Program, Government Internship Program at Special Program for Employment of Students Programs.


Bukod dito, sinabi ni Benavidez na bibigyang din ng pagkilala sa Malacañang ang mga top worker sa bansa habang pormal na ilulunsad ang Rehabilitation Center Complex para sa mga manggagawang nakaranas ng occupational hazards.

Kasabay nito, hindi naman masabi ng opisyal kung magkakaroon ng umento sa mga manggagawa sa selebrasyon ng Labor Day.

Facebook Comments