Iba’t-ibang aktibidad, isinagawa ng National Nutrition Council sa pagsimula ng nutrition month sa Sta. Rosa, Laguna

Dinagsa ng ilang mga residente ng Santa Rosa City sa Laguna ang paglunsad ng programa ng National Nutrion Council o NNC bilang kick-off sa pagsisimula ng nutrition month.

Ilan sa mga aktibidad na gagawin dito sa Sta. Rosa Complex ay fun bike, fun run, traditional childrens games, tae-bo, tai-chi at zumba na pangungunahan ng aktres na si Regine Tolentino.

Isinagawa ng nnc ang mga nasabing aktibidad bilang panawagan nila sa kanilang tema na “kumain nang wasto at maging aktibo. Push natin ‘to!!!.


Nakasaad din sa programa ng nnc kung paano magkaroon ng healthy diet at kung paano din magsimula ng mga physical acitvities upang manatiling masigla at hindi magkaroon ng sakit.

Nabatid na karamihan sa mga pilipino ngayon ay hindi na nakakain ng wasto at hindi na din nakakapag-ehersisyo dahil na din sa mga personal na dahilan tulad ng pagiging busy sa trabaho, pagod sa biyahe at wala nang oras pa para sa sarili.

Facebook Comments