Iba’t ibang aktibidad ang ikinakasa ngayon sa lungsod ng Maynila kaugnay sa selebrasyon ng ika-453 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Unang nagsagawa ng wreath laying ceremony sa Rajah Sulayman Park na pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna kasama ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Bukod dito, nagsagawa rin ng Civic and Military Parade sa San Andres Maynila na dinaluhan ng mga representative mula sa anim na distrito.
Kaugnay nito, nananatiling sarado ang kahabaan ng Dagonoy kanto ng Onyx Street gayundin ang Zobel Roxas Street mula Pablo Ocampo hanggang Pasig Line Street dahil sa nasabing parada.
Inaabisuhan ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta para hindi maipit sa trapiko lalo na’t mamaya pa matatapos ang aktibidad.
Nauna inihayag ng Manila Traffic and Parking Bureau na suspendido ang number coding scheme sa mga sasakyan sa lungsod ngayong araw.