Kasabay ng ika-11 anibersaryo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) samut-saring aktibidad ang idaraos ng ahensya para sa kanilang month long celebration.
May temang “Centered on Aviation Safety, Focused on Progress,” ang anibersaryo ng CAAP ngayong taon na natapat pa sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
Tampok ang blood-letting activity na sinumulan kahapon, March 5 na susundan naman ng clean-up drive sa March 8, sports fest na magsisimula sa a-kinse at fun run pagsapit ng March 22.
Kasunod nito nangako ang CAAP na paghuhusayin pa ang air transport infrastructure, safety and overall performance ng bansa.
Facebook Comments