Iba’t-ibang Bala ng Baril, Nasamsam sa Isang Laborer!

134

*City of Ilagan, Isabela- *Arestado ang isang manggagawa matapos masamsaman ng iba’t-ibang uri ng bala ng baril sa inilatag na Search warrant Operation ng mga otoridad sa Brgy. San Ignacio, City of Ilagan, Isabela.

kinilala ang suspek na si Esmeraldo Fenix alyas Amboy, 49 anyos, at residente ng Brgy San Ignacio, City of Ilagan, Isabela.

Nasamsam mula kay Amboy ang dalawang piraso na bala ng M203, labing isang piraso ng bala ng 12 gauge, apat na pirasong empty shell ng Cal 45, isang matchbox na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana at isang plastic bag na naglalaman rin ng pinatuyong dahon ng marijuana.


Dinala na sa himpilan ng Ilagan City Police Station ang suspek at mga nakumpsikang bala para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Inihahanda na ng PNP Ilagan ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments