Patuloy na raw ang pag-uusap ng iba’t ibang bansa para sa muling pagbubukas ng Rafah border kasunod ng pag-atake ng militanteng Hamas.
Naudlot kasi sa ikalawang pagkakataon ang pagtawid ng mga foreigners kabilang na ang mha Pinoy mula Gaza patungong Egypt dahil sa patuloy na pag-atake ng Hamas sa Israel.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nssa 20 Pinoy ang naudlot sa paglikas dahil sa pag-atake ng Hamas.
Noong Linggo sana lilikas ang mga Pinoy pero hindi ito natuloy dahil sinuspindi ang pagbubukas ng hangganan dahil sa security issues.
Sa ngayon, hindi pa sigurado kung kailan muling bubuksan ang border na magsisilbing tawiran ng mga gustong lumikas mula sa bansang Israel.
Facebook Comments