Iba’t ibang bansa, naghahanap ng mga manggagawang Pinoy

Malaki pa rin ang demand sa healthcare workers lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Atty. Bernard Olalia na kailangan ng maraming nurse ngayon sa UK, Germany, US, Canada at Australia.

Ayon kay Olalia, mayroong labor shortage sa healthcare workers ang nabanggit na mga bansa kung kaya’t malaki ang kanilang demand.


Maliban dito, madami ring construction workers, nasa sektor ng hospitality at service industries ang kailangan sa Middle East habang skilled workers naman ang hanap sa New Zealand, Germany at Australia.

Factory workers naman ang in-demand ngayon sa Korea at Taiwan.

Kasunod nito, pinapayuhan ni Olalia ang mga interesadong Pinoy na bisitahin ang kanilang website na www.poea.gov.ph at sa lehitimong agency lamang mag apply ng trabaho upang hindi mabiktima ng mga manloloko.

Facebook Comments