Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang ibat ibang barangay kasama ang composite team nito para siyasatin ang kasuluksulukan kung saan maaaring makapasok ang tubig baha.
Ang pagsasagawa ng naturang inspeksyon ay upang tiyakin na ang mga low-lying areas sa lungsod ay hindi maaapektuhan ng main river kung sakali mang umapaw.
Ito rin ay para masiguro na maayos ang daloy ng tubig papunta sa main river systems at maiwasan ang pagbaha.
Ininspeksyon din ang kondisyon ng mga dike, sapa, kalsada, at iba pang mga daluyan ng tubig nang sa gayon ay makagawa ng agarang hakbang at konkretong solusyon ukol dito.
Patuloy naman ang pagbibigay ng paraan ng LGU para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mamamayan at mapabuti pa ang flood protection measures at mitigation plan ng pamahalaang lungsod ng Alaminos City. |ifmnews
Facebook Comments