Dahil mahilig ang mga chikiting sa mga pastries ay naisipan ng guest ng Business as Usual na si Marilou Castro na itayo ang negosyong Veera’s Cake
Sa interview ng bagong segment na Business as Usual dito sa Radyo Trabaho, ikinwento ni Castro na bago siya magsimula sa negosyo ay pumasok muna siya sa TESDA para mag-aral na mag bake noong 2010.
Pero bago pa man daw siya makapagtapos ay marami nang umoorder sa kaniya at kung kay’t hindi naging mahirap ang paghahanap niya ng customers nang simulan na ang negosyo.
Kasunod nito, nakakawala naman daw ng pagod kapag makakatanggap siya ng mga feedback mula sa customers na nagsasabing masarap ang cake na inorder sa kaniya.
Facebook Comments