
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa ay pormal na binigyan ng Kamara ng kopya ng P6.793-trillion 2026 National Expenditure Program o NEP ang iba’t ibang civil society organizations.
Ang turn-over ceremony na ginanap sa Social Hall ng Kamara at pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at kabilang sa mga tumanggap ng kopya ng NEP ay ang:
• Social Watch;
• CODE-NGO;
• Jesse Robredo Institute of Governance;
• Philippine Legislators’ Committee on Population and Development;
• Child Rights Network;
• Parents Against Vape;
• Campaign for Tobacco-Free Kids;
• Multiply-Ed Philippines;
• FOI Youth Initiative;
• Safe Travel PH;
• REID Foundation;
• People’s Budget Coalition/Citizen’s Budget Tracker; at
• Novalerto Youth.
Ang hakbang ni Romualdez ay alinsunod sa House Resolution No. 94 na kanyang inihain kasama ang ilan pang mga kongresista na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kinatawan ng ordinaryong Pilipino na lumahok mula sa unang araw ng budget process para manood, makinig, at magsalita.
Bahagi ito ng pagtataguyod ng isang transparent o bukas sa publiko na pagtalakay sa pambansang budget.









