Target ng pamahalaan na magpatupad ng iba’t-ibang estratehiya na magpapabilis ng booster inoculation sa bansa kontra COVID-19.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje, nasa 3 million dapat ang due na para sa booster shot ngunit isang milyon lamang ang sumipot sa ikatlong yugto ng Bayanihan, Bakunahan mula February 10 hanggang 18.
Aniya, alam naman ng publiko ang importansya ng bakuna ngunit hindi nila alam ang urgency ng booster shot.
Dahil dito ay kinakailangan aniyang magpapalit ng estratehiya at mas pag-igtingin pa ang adbokasiya dahil mahirap magkumbinsi habang bumbaba ang booster hesitancy ng publiko.
Dagdag pa ni Cabotaje na maraming mga empleyado ang ayaw lumiban sa trabaho kung kaya’t tinitignan nila ang posibilidad na ilipat ang araw ng booster vaccination base sa lugar at sektor.