
Patuloy na kinokondena ng iba’t ibang grupo ang ginagawang panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ito’y kasunod ng mga aksyon ng China Goast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas.
Ayon sa ilang grupo, dapat umanong ipakita nang lahat ng Pilipino ang kanilang ipinaglalaban sa papamagitan ng pagkamalikhain, nasyonalismo, at pagkakaisa ng kabataang Pilipino sa pagtatanggol ng karapatan ng bansa sa karagatan.
Una nang pinasalamatan ni Martinez si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia sa patuloy nitong adbokasiya at inspirasyon sa mga kabataan at civic groups, kasama ang Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, ABKD, LIPI, at PADER ng Demokrasya, na nagpahayag ng pagkondena sa patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea.
Kahapon nang pasinayaan ang “Fight for Our West Philippine Sea” mural wall sa pader na simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa.
Batay sa Pulse Asia survey, 94% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat ipagtanggol ng pamahalaan ang ating soberanya laban sa “coercive behavior” ng China.









