Inanunsyo ng iba’t ibang grupo na magkakasa sila ng malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon sa Luneta.
Kasabay ito ng isasagawang rally sa EDSA Shrine sa November 30, Bonifacio Day.
Sa ginanap na pulong balitaan, kabilang ang mga demonstrasyon ng mga mangingisda, guro, kabataan, kawani ng gobyerno, at iba pang organisasyon ang magsasagawa ng seryes ng kilos-protesta.
Ani Bayan Muna Partylist Representative Teddy Casino na tinatanggap nila ang pagbaba ng ilang opisyal ng gobyerno sa kanilang pwesto ngunit giit niya na ang kanilang panawagan ay bumaba sa pwesto sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte na umano’y pinaka may pananagutan sa lahat ng problema ng bansa.
Binigyang-diin nila na hindi magiging makabuluhan ang anumang imbestigasyon habang nananatili sa puwesto ang Pangulo at iba pang mataas na opisyal na umano’y sangkot sa katiwalian.
Dagdag nila, magiging bukas ang programa sa lahat ng sektor, ngunit magiging strikto sila sa mga grupo na may politikong iniidolo o yung mga pro-Marcos at pro-Duterte.









