Iba’t ibang grupo, nagkilos-protesta hinggil sa kanilang calamity compensation at production aid

Nagtipon-tipon ang iba’t ibang grupo, mangingisda, at magsasaka sa tapat ng Department of Agriculture (DA) upang manawagan kaugnay sa calamity compensation at production aid dahil sa magkakasunod na bagyo.

Nagpahayag si National Federation of Peasant Women Secretary General at Gabriela Women’s Party 2nd nominee Cathy Estavillo na dahil sa magkakasunod na bagyo dulot ng El Niño ay sinira ang produksyong agrikultural, hanapbuhay, at pati na rin ang mga kabahayan ng mga magsasaka at mangingisda.

Dagdag pa nito na dahil sa nagdaang kalamidad, nangangamba ang mga magsasaka kung saan sila kukuha ng puhunan para sa susunod na taniman dahil sa hindi pa sila nakakapagbayad ng inutang nila sa katatapos na anihan.


Panawagan ng grupo na maayos na kompensasyon ang kanilang matanggap mula sa gobyerno.

Nananawagan din ang grupo na ihinto ang mga land use conversion, pagpapalawak ng agricultural plantations, reclamation projects, quarrying, minahan, logging operations na nakasisira ng kalikasan at natural resources dahil na rin sa climate change.

Facebook Comments