Iba’t ibang grupo, muling nagkasa ng kilos-protesta sa Korte Suprema

Nagkilos protesta ang iba’t ibang grupo sa harap ng Korte Suprema kasabay ng isinasagawang En Banc Session ng mga mahistrado.

Panawagan ng mga grupo, baliktarin sana ng Korte Suprema ang desisyon na nagsabing unconstitutional ang pagdaraos ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa tinatawag na one year bar rule.

Giit ng mga nagkilos-protesta, pakinggan sana ng Korte Suprema ang hinaing nila upang matuloy na ng Senado ang paglilitis at mapanagot sa batas si VP Sara.

Nais din ng grupo na ipaliwanag ng bise presidente kung saan napunta ang higit P600 milyon na confidential funds na dapat sana ay nagamit o nagastos para sa kapakanan ng taong bayan.

Bantay sarado naman ng mga pulis ang kilos-protesta para maging mapayapa, bagama’t nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa Padre Faura hanggang Taft Avenue.

Facebook Comments