Nagtungo sa Supreme Court (SC) ang ilang mga dating opisyal ng pamahaalan, grupo ng mga abogado, pribadong sektor, mga lider ng simbahan at paaralan para maghain ng petisyon.
Ito ay para kwestyunin ang planong paglipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.
Giit ng grupo, labag sa konstitusyon at wala rin sa batas ang naturang plano lalo na’t pera ng mga manggagawa ang pondo.
Duda rin ang mga naghain ng petisyon sa naturang hakbang dahil tila gagamitin o magagamit lang sa ibang bagay ang nasa P89.9 billion na sobrang pondo na hawak ng PhilHealth.
Bukod dito, walang malinaw na paliwanag ang pamahalaan at wala rin namang inilalatag na programa na pakikinabangan ng mamamayan.
Facebook Comments