Manila, Philippines – Naghayag ng magkahalong galit at lungkot ang iba’t ibang grupo dahil sa pagbabalik ng war on drugs ng Philippine National Police.
Kabilang sa kanilang kinondena ang pagbuhay sa oplan tokhang at ang paglulunsad ng oplan double barrel reloaded.
Magkakasamang nagpahayag ng pagkadismaya ang mga kinatawan mula sa simbahang katoliko, human rights group at mga abogado.
Sa pahayag ni Father Gilbert Billena ng grupong Rise Up For Life And For Rights na binubuo ng iba’t ibang church leaders, hindi naging matagumpay ang oplan tokhang ng PNP sa pagsugpo ng krimen.
Kasabay nito ay tiniyak naman ng national Union of People’s Lawyers o NUPL sa simbahan na sila ay tutulong sa paghahain ng kaso sa ilang tukoy na gunman o suspek sa pagpatay sa hinihinalang drug suspects.
Ang mga abogadong miyembro ng NUPL ang magbibigay ng tulong na legal sa mga pamilyang namatayan nang dahil sa war on drugs ng PNP.