
Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa Supreme Court (SC) para ipanawagan na ipawalang-bisa ang utos ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nagpapataw ng mas mataas na singil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Samahan ng mga Domestic Helper sa Gitnang Silangan (SANDIGAN), tataas sa P950 mula P550 ang terminal fee sa susunod na taon.
Magdudulot din ito ng kawalan ng trabaho at pagtaas ng presyo ng pagkain at tubig, babala pa ng grupo.
Tinutulan din nila ang napipintong pagsasapribado sa NAIA kung saan baliktarin sana ng SC ang kautusan ng MIAA.
Giit nila, labag sa Konstitusyon ang MIAA Revised Administrative Order No. 1 at Concession Agreement nito sa San Miguel Corps New NAIA Infra Corp. dahil nilaktawan umano ang due process at partisipasyon ng publiko.
Kasama sa mga umapela ang Migrante Philippines, Gabriela Women’s Party, Concerned Seafarers of the Philippines, BAYAN at Kilusang Mayo Uno (KMU)









