
Nagkasa ang halos sampung grupo na karamihan ay kababaihan ng kilos-protesta sa labas ng Korte Suprema para ipanawagan na baligtarin ang desisyon hinggil sa impeachment proceedings ni VP Sara Duterte.
Matatandaan na una ng naglabas ng desisyon ang Korte Suprema kung saan hindi sila pabor na ituloy ang reklamong impeachment sa bise presidente dahil labag na ito sa saligang batas.
Pero giit ng mga kinatawan ng grupo, nagkamali ang mga mahistrado ng Korte Suprema nang panghimasukan nila ang trabaho ng Kongreso sa impeachment proceedings.
Paliwanag pa ng grupo, kailangan ng baligtarin ang desisyon upang maipakita ang pagkakaroon ng demokrasya at maipatupad ang mga alituntunin ng batas.
Nanghain na rin sila ng Motion for Reconsideration (MR) lalo na’t nakikita nila na tila hindi nasunod ang proseso at minadali ang paglalabas ng desisyono ng hindi lubusan napapag-aralan.
Bantay-sarado naman ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ikinakasang protesta kung saan nagkaroon ng pagsikip ng daloy trapiko sa bahagi ng Padre Faura Street.








