Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa lungsod ng Maynila kasabay ng Valentines Day para ipanawagan ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.
Unang nagtipon-tipon ang mga grupo ng kinabibilangang KMU, Masipag, Bagong Alyansang Makabayan, Anakpawis, Kilusan Mambubukid ng Pilipinas at iba pa sa Morayta bago tumungo ng Mendiola.
Kanilang ipinawagan na tutukan sana ng kasalukuyang administrasyon ang iba’t ibang suliranin ng mamamaya at hindi ang Charter change.
Bukod dito, solusyunan na rin daw sana ang problema ng mga magsasaka partikular amg reporma sa lupa.
Ipinapanawagan din nila ang dagdag sahod ng mga ordinaryong manggagawa lalo na’t walang patid ang pagtaas ng mga bilihin.
Sumunod naman sa Mendiola ang ilang grupo ng healthcare workers na nauna nang nagkasa ng kilos-protesta sa tanggapan ng Department of Health (DOH).