
Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo para kondenahin ang ginawang pag-atake ng pwersa ng Amerika sa bansang Venezuela partikular ang lungsod ng Caracas.
Giit ng mga grupo, hindi makatuwiran ang ginawang hakbang ng Amerika sa Venezuela para pwersahan dakipin ang pangulo nito na si Nicolas Maduro.
Panawagan nila na papanagutin si US President Donald Trump lalo na’t ang hangad lamang daw nito ay makuha ang mga likas na yaman o resources ng Venezuela at mapasailalim ang bansa sa kaniyang kagustuhan.
Hindi rin daw totoo ang mga ibinabatong mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao, drug trafficking at mga isyu kaugnay ng Constitutional reforms na ibinabato sa pangulo ng Venezuela.
Inihayag pa nila na marami rin ang sumusuporta kay Maduro dahil nagagawa nitong ibigay sa kanilang mamamayan ang libreng edukasyon, libreng pangangailan sa kalusugan at iba pang serbisyo.
Giit ng grupo, hindi malabong mangyari ang ganitong sitwasyon ng Venezuela sa Pilipinas kaya’t hiling nila na lumayas na sa ating bansa ang tropang Amerika.








