
Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t-ibang grupo sa pangunguna ng Kilusang Bantay Demokrasya sa Mendiola, Maynila kasabay ng ikaapat na SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, hindi nagpatinag ang mga grupo sa kanilang aktibidad kung saan nagtipon-tipon sila sa Recto Avenue saka nag-martsa patungong Mendiola.
Pangunahing isyu na kanilang ipinapanawagan ang umano’y pagnanakaw ng ₱142 bilyon na pondo para sa flood control na sinasabing ginamit upang protektahan ang mga opisyal na sangkot sa katiwalian.
Mariin din nilang kinokondena ang ikinakasang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na itinuturing nilang paglabag sa soberanya ng Pilipinas.
Bukod dito, tila nakalimutan na anila ng Pangulo ang mga ipinangako noon hinggil sa kabuhayan, kahirapan, pagkain at iba pa na hanggang ngayon ay kanilang inasahan.
Kaugnay ng kilos-protesta, mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng Manila Police District (MPD) upang walang anumang mangyari kaguluhan.









