Tuesday, March 3, 2026

Iba’t ibang grupo, nagkasa ng protesta kontra sa marahas na hakbang ng Amerika at Israel laban sa Iran

Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa bahagi ng Kalaw Avenue sa Maynila.

Ito’y para kondenahin ang naging hakbang ng Amerika at Israel laban sa bangsang Iran.

Giit ng grupo, hindi makatwiran ang ginawang marahas na hakbang ng Amerika lalo na’t maraming sibilyan ang nadadamay.

Partikular na tinutukoy ng grupo ang mga Overseas Filipono Workers (OFWs) na nagta-trabaho sa Iran na apektado ngayon ng kaguluhan.

Kaugnay nito, nananawagan rin sila sa gobyerno na palayasin ang mga US bases na bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Giit pa nila, tanggalin na rin ng Amerika ang mga missile na nasa bansa at pauwiin na rin maging ang mga sundalong Amerikano.

Panawagan pa ng grupong BAYAN, hindi dapat magpagamit ang Pilipinas sa mga planong pag-atake ng Amerika sa ibang nasyon o bansa.

Nagsimula ang kanilang protesta sa kanto ng Kalaw at Taft Avenue kung saan plano nilang magtungo sa tapat US Embassy pero naharang na sila bago mag-Roxas Blvd.

Facebook Comments