Iba’t ibang grupo, nagmartsa para isulong ang pagkakaroon ng malinis na hangin sa mga kalsada sa buong bansa

Nagmartsa ang mahigit 500 katao na kinabibilangan ng mga health professionals, environmetal groups, community members, nga doktor at mga pamilya mula National Children’s Hospital hanggang Tomas Morato Rotonda sa Quezon City bilang pakikiisa sa Walk for Clean Air Campaign.

Layunin ng aktibidad na ito ay ipaglaban ang karapatan para sa malinis na hangin at manghikayat na isulong ang kampanya laban sa pulusyon sa hangin sa bansa.

Ayon kay Regional Climate and Health Manager Melody Melo-Rijk ng Health Care Without Harm Southeast Asia na hindi pribilehiyo ang malinis na hangin kundi isang basic human right.

Aniya, ipinapakita ng kanilang isinagawang martsa na handa ang mga tao na kumilos at hingin sa mga namumuno sa mga bansa na palakasi ang air quality standards, pagbutihin ang monitoring systems, at mag-invest sa sustainable transport solutions para sa kalusugan lalo na sa mga vulnerable sectors tulad ng mga bata.

Sinabi naman ni Dr. Lannie Fofue, Medixal Specialist sa National Children’s Hospital na makikita sa mga ospital ang mga batanf naghihirap dahil sa mga sakit na may kinalaman sa polusyon sa hanging gaya ng asthma at iba pang respiratory illnesses.

Ngayong buwan, bukod sa National Clean Air Month ay kasabay ring ginugunita ang National Children’s Month kung saan ang isinagawang martsa ay nagpapakita ng pagsulong sa karapatan ng mga bata at sa mga susunod na henerasyon sa malinis na hangin at ligtas na kapaligiran para sa mas malusog at mas maunlad na kinabukasan.

Facebook Comments