Manila, Philippines – Umani ng pagkondena ang ginawang pag-aresto kay Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa.
Sabi naman ng chief international anchor ng CNN na si Christiane Amanpour, desperado ang isang gobyerno na umaaresto ng mamamahayag.
Tinawag namang “outrageous” ni dating United States Secretary Madeleine Albright ang pag-aresto.
Nanawagan din siya ng suporta para sa malayang pamamahayag.
Para naman sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), walang kahihiyang panggigipit ng isa umanong “bully government” ang pag-aresto kay Ressa.
Iginiit naman ng Center for Media Freedom and Responsibility na ang paghain ng reklamong cyber libel ilang taon matapos gawin ang istorya at kung kailan wala pang batas ukol sa cyber libel at ang paghain ng arrest order sa oras na sarado na ang korte ay patunay umano sa pagmanipula ng gobyerno sa batas.